Truett Seminary and Wesley Biblical Seminary
GMC Philippines Scholarship Program

STUDENT PARTICIPATION AGREEMENT
(Tagalog)

Purpose

Ang Truett Seminary and Wesley Biblical Seminary GMC Philippines Scholarship Program ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Mega Manila Annual Conference. Sa pamamagitan ng partnership ng Truett Seminary at Wesley Biblical Seminary, layunin ng programang ito na i-equip ang mga tapat, Spirit-filled, at theologically grounded na mga leaders bilang paghahanda sa ordained ministry.

Ang pakikibahagi sa programang ito ay isang pribilehiyo at investment ng Church sa ating future servant leaders. Inaasahan ang bawat student na magpakita ng academic excellence, spiritual maturity, faithfulness in ministry, at Christian character. Sa pagpirma ko sa kasunduang ito, kinikilala ko ang aking pagtupad sa mga sumusunod na alituntunin.

1. Eligibility

Nauunawaan ko na para makapasok sa programang ito, kailangan kong:

  • Makilala bilang isang manggagawa o isang Candidate for Ministry o qualified Certified Lay Minister ng Global Methodist Church.

  • Taglayin ang katangiang Kristiyano, integridad, at katapatan sa ministry.

  • Maging mapagpakumbaba at handang tumanggap ng gabay at pagtutuwid.

2. Mandatory Orientation

Nauunawaan ko na ang lahat ng mga bagong estudyante ay kailangang dumalo sa nakatakdang Program Orientation bago magsimula ang kanilang pag-aaral.

Sa orientation, ipapaliwanag ang mga inaasahan, alituntunin, academic requirements, communication procedures, peer advising, at mga opportunities para sa pagpapaunlad sa buhay espirituwal at ministeryo. Mandatory ang pagdalo.

3. Academic Commitment

Kinikilala ko na ang pagaaral ng teolohiya ay kinakailangan ng pagpupursigi, disiplina, at tapat na stewardship.

Kaya naman sumasang-ayon ako na:

  • Mag-enroll ng hindi bababa sa dalawang (2) subjects bawat semester.

  • Mag-enroll ng hindi hihigit sa tatlong (3) subjects bawat semester, maliban kung inaprubahan matapos kong konsultahin ang aking Peer Adviser.

  • Mag-withdraw lamang ng subject sa loob ng nakatakdang add/drop period at pananatilihin ko pa rin ang minimum na bilang ng mga kinakailangang subjects.

4. Class Attendance and Participation

Nauunawaan ko na ang regular na pagdalo at aktibong pakikilahok sa klase ay mahalaga upang magtagumpay sa aking pag-aaral, kaya:

·      Sumasang-ayon ako na dadalo sa hindi bababa sa 75% na nakatakdang Zoom sessions.

·      Aktibo akong makikilahok sa klase, tatapusin ang aking mga assignments sa takdang oras, at agad na makikipag-ugnayan sa aking mga instructors tungkol sa mga hindi maiiwasang absences.

5. Technology Requirements

Sumasang-ayon akong magkaroon ng kinakailangang teknolohiya upang maging matagumpay ang aking pakikilahok sa online learning, kabilang ang:

  • Maaasahang laptop o computer;

  • Maaasahan at malakas na internet connection;

  • Basic digital competency, kabilang ang kakayahang gumamit ng Zoom, Canvas, email, word processing software, at iba pang computer applications na kinakailangan sa aking mga subjects; at

  • Kung hindi pa ako bihasa sa paggamit ng mga computer applications na ito, hihingi ako ng tulong sa pamilya at mga kaibigan, habang ginagawa ang lahat ng aking makakaya upang matutunang gamitin ang mga ito at maging self-sufficient.

Nauunawaan ko na ang pag-attend sa Zoom na gamit lamang ang cellphone ay hindi maari, maliban sa mga hindi inaasahang pagkakataong at may pahintulot ng instructor.

6. Academic Accountability

Nauunawaan ko na ang programa ay may itinatag na sistema ng accountability upang magabayan ang aking academic progress at mabigyan ako ng kinakailangang tulong.

Dahil dito, sumasang-ayon ako na:

  • Magsumite ng aking mga grades o official transcript sa katapusan ng bawat semester ayon sa mga itinakdang pamamaraan ng programa.

  • Makipagtulungan sa anumang academic review o mentoring ng aking Peer Adviser kung kinakailangan.

  • Panatilihin ang satisfactory academic progress sa aking buong pag-aaral, na nangangahulugang hindi bababa sa B sa Truett Seminary at B- sa Wesley Biblical Seminary.

  • Makilahok sa end-of-semester debriefing kasama ang aking Peer Adviser.

7. Academic Standing

Nauunawaan ko na ang patuloy na pagiging bahagi sa programa na ito ay nakasalalay sa pagpapanatili ng satisfactory academic performance.

Kung, sa anumang pagkakataon habang ako ay nasa programa, ako ay makatanggap ng:

  • Grade na mas mababa sa satisfactory standard, sasailalim ako sa academic evaluation at tatanggap ng patnubay mula sa aking Peer Adviser.

  • Isang failing grade, sasailalim ako sa academic evaluation at maaaring tumanggap ng karagdagang mentoring mula sa isang itinalagang tutor.

  • Incomplete grade, ako ay magsusmite ng mga natitirang assignments bago sumapit ang itinakdang extended deadline. Kung ako ay hindi nakapagsumite ng mga assignments bago sa itinakdang deadline, at dahil dito, nakatanggap ng failing grade, sasailalim ako sa academic evaluation at maaaring tumanggap ng karagdagang mentoring mula sa isang itinalagang tutor.

  • Dalawa o higit pang failing grades sa buong programa, nauunawaan ko na ang aking pagpapatuloy bilang mag-aaral ay maaaring masuspinde o tuluyang ihinto, batay sa mungkahi ng Academic Council.

8. Spiritual Formation and Ministry Involvement

Kinikilala ko na ang theological education ay hindi lamang tungkol sa academics kundi paghahanda din ito para sa ministeryo.

Dahil dito, nangangako akong:

·       Patuloy na palalimin ang aking relasyon kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng Banal na Kasulatan, pagsamba, at iba pang spiritual disciplines.

·       Manatiling aktibong makikilahok sa aking local church at sa ministeryong ipinagkatiwala sa akin.

·       Magpakita ng Christian character, integridad, pagpapakumbaba, at katapatan sa aking personal na buhay at ministeryo.

·       Manatiling nasa good standing sa aking local church, supervising pastor, Presiding Elder, at Board of Ministry.

·       Makilahok sa mga gawain ng Annual Conference, kabilang ang Annual Conference sessions, workers’ fellowships, Empowering Academy, Covenant Mission Institute, at iba pang mga pagkakataon para sa pagsasanay at paghubog.

9. Peer Advising and Accountability

Nauunawaan ko na ako ay bibigyan ng Peer Adviser na tutulong at mag-e-encourage sa aking academic, spiritual, at ministerial development.

Sumasang-ayon akong makipagtulungan sa peer advising process, humingi ng payo at paggabay kung kinakailangan, at panatilihin ang bukas na komunikasyon sa mga lider ng programa tungkol sa anumang bagay na maaaring makaapekto sa aking academic progress o mga responsibilidad sa ministeryo.

10. Online Classroom Conduct

Sumasang-ayon akong kikilos sa paraang karapat-dapat sa aking pagkatawag bilang ministro ng Ebanghelyo.

Maliban kung pahintulutan ng instructor dahil sa mga di inaasahang pagkakataon, ako ay:

  • Magpapanatiling bukas ng aking camera habang nasa online class sessions;

  • Darating sa oras, mananatiling present, nakikinig, at aktibong makikilahok sa buong klase;

  • Iiwas sa mga kaabalahan at sa mga gawaing walang kaugnayan sa klase;

  • Makikitungo ng may respeto at paggalang sa faculty, mga kapwa mag-aaral, at staff; at

  • Maninindigan sa pinakamataas na pamantayan ng academic honesty at integrity.

11. Student Commitment

Sa paglagda sa kasunduang ito:

  • Nabasa at nauunawaan ko ang mga inaasahang nakasaad sa Student Participation Agreement na ito.

  • Nauunawaan ko na ang pakikilahok sa Truett Seminary and Wesley Biblical Seminary GMC Philippines Scholarship Program ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan.

  • Sumasang-ayon akong pagsikapang makamit ang kahusayan sa theological education, at pagpapaunlad sa buhay espirituwal at ministeryo.

  • Tapat kong kakatawanin ang Global Methodist Church, ang aking Annual Conference, at ang aking local church sa aking academic, personal, at ministeryo.

  • Nauunawaan ko na ang hindi pagsunod sa kasunduang ito ay maaaring humantong sa academic monitoring, probation, suspension, o pagkatanggal sa programa, ayon sa pagpapasya ng program leadership.

[PAKIPIRMAHAN ANG KASUNDUANG ITO DITO]